This site is supported by the advertisements on it, please disable your AdBlocker so we can continue to provide you with the quality content you expect.

Welcome to Our Community

Wanting to join the rest of our members? Feel free to sign up today.

Are there by any chance Filipinos here?

Discussion in 'South East Asia Metal Scene' started by RosesofShadow, Oct 12, 2004.

  1. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    Yeah, are there any Filipinos here?
     
  2. charnee

    charnee i'm hungry.

    Joined:
    Sep 27, 2003
    Messages:
    2,409
    Likes Received:
    130
    Trophy Points:
    63
  3. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    ^ You are Filipino but you live in Florida? Am i right? Is that Florida? Do you speak Tagalog? babae ka ba?
     
  4. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
  5. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    Oh My God, you are a Filipino? Kabayan!

    Nawala na kc ang mga threads dito, un Philippine Metal Scene, nadelete na ata.
    Taga saan ka?

    Konti lang ata tayo dito,ala kc masyado nakikinig ng metal sa Pinas.
     
  6. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
    oo nga e. Konti na lang. pati yung ibang Pinoy dati, nawala na.

    Siya nga pala, ako ay taga Pasig. Isa akong lonely metal listener. Wala akong kilalang ibang metalhead.

    Isang tanong lang. Nakikinig ka ba ng Pain of Salvation?
     
  7. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    Ah Progressive ba trip mo? I think they're great but i haven't checked them yet.

    Meron pa ba mga pinoy dito bukod sa aten? Madalas ka ba dito sa UM? Chaka date ka pa nakajoin dito ah. Ngayon lang ako nakajoin kc may internet access ako dito sa office chaka mabilis bilis kumpara sa bahay na naka dial-up lang ako.

    Taga Pateros naman ako, malapit lang ako sa Pasig. Sa Pasig Catholic College nga ako nag aral ng high school eh. May banda ako, pero isa lang dun ang talagang nakikining ng metal, un iba kc na convert sa emo/punk/hardcore, nakakainis nga eh. May mga kilala rin akong metalheads sa Manila.

    Konti lang talaga nakikining ng metal sa pinas.

    Bands:
    Cryptopsy, The Chasm, Arcturus, Opeth, Dissection, My Dying Bride, Bathory, Darkthrone, Arghoslent, old Theatre of Tragedy, Death at marami pang iba...
     
  8. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
    Meron pang ibang Pinoy dito, hindi ko lang alam kung nasaan sila. Hindi ko masabi kung madalas ako dito o hindi kasi ang chances na maka-internet ako ay paiba-iba dahil siguro sa pressure ng school.

    Sa 'Pinas, kaunti lang talaga ang nagtatapang na makining ng metal sa kadahilanang ang mga mamamayan ay naaakit (mas maganda siguro sabihing naloloko) ng uso. Mga "bandwagonners" at "sellouts" nga sila kung tawagin at nakikinig sila ng musika para lamang magpa-impress. In a wider scale, maikukumpara natin ito sa mga mas malaking problema ng 'Pinas. Kaya walang nangyayari sa bansa natin e. Hinahayaan lang natin diktahan tayo nang hindi tayo nag-iisip.

    'Yan na siguro ang natutunan ko sa pakikinig ng metal at iba pang MAGANDANG musika. Ikaw dapat ang magsasabi ng kung anong gusto mo. Hindi dapat hayaan ang iba na diktahan at lokohin ka.

    Anyway, ito ang ilan sa mga gusto kong banda:
    In Flames, Opeth, Dream Theater, at siyempre Pain of Salvation.

    Kaunti lang 'yang kasi 'di ko maalala yung iba.
     
  9. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    Oo nga feeling ko marami din dito, di kc cla bumibisita sa board na to. Pro sa Metal-archives meron din ata, marami ata dun.

    San ka nag-aaral? I assume college ka na.

    This is very true. Yan ang sakit ng pinas, basta uso gagayahin, di magpapahuli. Nakakainis na nga dito minsan, parang gusto mong umalis, pumuntang Norway o Sweden. Plus ala pang binebentang original metal CDs dito, meron kaso kaunti, meron din nagbebenta sa tabe tabe kaso kaunti din.

    You sound like an activist...which is good. Me, i really hate politics and what some of the people in church are doing. Pare pareho lang cla mga kurakot at mga tuta ng kano.

    Nakakainis pati mga nagpapanggap na nakikinig ng metal at nagsusuot pa ng parang metal samantalang ang pinapakinggan naman ay Linkin Park, Sum 41 at mga putang inang mga boy bands!

    Sa metal naman, minsan hindi rin ako sumasangayon sa mga reviews, mas maganda kung mapakinggan mo muna ng sarili mo at ikwa ang maghusga di ba.

    PS: ikaw pala thread starter nun "philippine metal scene" no.
     
  10. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
    Sa Ateneo ako nag-aaral. 3rd Year High School palang ako.

    Sa totoo nga, yung mga kaklase ko naiinis na sa akin dahil ang dami kong reklamo sa nangyayari ngayon sa Pilipinas. Ang sagot ko sa kanila, "anong dahilan kung bakit hindi dapat magalit?"

    Ngayon siguro maaaring wala pa akong magagawa para ibahin ang kalagayan ng bansa natin. Pero may sinabi ang isang teacher sa amin na solusyon sa mga problemang hinaharap natin ngayon. Sinabi lang niya "mag-aral kayo." 'Yun lang pero tama siya.

    Nakapagtatakang isipin na kung ano yung mga simpleng bagay ay iyon pa yung mga hindi natin magawa. Hindi lang 'to problema sa mga Pilipino, kundi sa lahat ng tao.

    I wouldn't argue sa sinabi mo na maraming siraulo sa pulitika at sa iilang simbahan (pati na rin siguro sa mga mamamayan). Pero may iilang mga tao na nagsisikap gumawa ng tama sa kabila ng malaking kasamaan sa bansa. Diyan ako humahanga. Naaalala ko yung balita dati tungkol sa taxi driver sa ibang bansa na nakapulot ng mamahaling bagay tapos binalik niya sa may-ari. Biruin mo, nandon na yung isang pagkakataon para magkaroon siya ng maraming pera tapos binalik pa niya. Naniniwala ako sa saying na "honesty is the best policy" at para sa mamang Pinoy na yon, siguro naniniwala din siya. Isa din yan sa mga dahilan kung bakit masasabi kong may pag-asa pa sa 'Pinas.

    Anyway, enough about the activist subject beacuse it could continue on for a very long time.

    Ayoko magbihis ng metal style. I prefer dressing up "pambahay" style. Para sa 'kin, mas kumportable. Ikaw?

    Alam mo ba, sa Ateneo walang nakikinig ng metal? Kung meron man, mas mahilig parin sila sa ibang musika at parang nasa huli ng listahan nila ang metal.

    Sa metal naman, parang paiba-iba yung gusto ko. Depende siguro sa mood ko. Pero nakikinig din ako ng ibang music na hindi metal: Sarah Mclachlan, A Perfect Circle,... .

    Ito lang ang huli kong masasabi, subukan mo ang Pain of Salvation. Hanggang ngayon, tuwing pinapakinggan ko yung mga album nila, hindi parin maalis yung matinding paghanga ko sa kanila. Magaling talaga sila e. Kahit hindi lahat ng members nakikinig ng metal, they are worthy to be called a prog metal band.

    Ilang huling tanong. Pano mo nadiscover ang metal? Anong instrument ang tinutugtog mo?

    Sorry kung napahaba yung reply ko, paminsan-minsan lang talaga may lumalabas sa utak ko at isa ito sa mga pagkakataong iyon.
     
  11. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    3rd year ka pa lang? ayos ah.

    Bat naman cla naiinis? Di ba nila ramdam ang sitwasyon sa Pilipinas? Sabagay mamayan nga pala ang taga Ateneo, parang alang hirap na nararamdaman pero parang iba ka ata sa kanila.

    Tama mag-aral ka. Tumataas lalo ang unemployment rate ng pinas, ang daming alang trabaho. Ang hirap pang humanap ng magandang trabaho.

    Oo ciempre hindi lahat, sa katunayan nga mababaet ang mga Pilipino, kaya lang nila nagagawa yun ay dahil sa sobrang kahirapan. kung hindi tayo mahirap, mababa cguro ang crime rate dito. Oo nabalitaan ko yun, sa New york ata un. Marami ding talagang ganun, kahit ako, di makakaya ng konsensya ko ang iuwi ang ganun kalaking pera, kahit nga isang daan lang. Di kc sayo un, bat mo kukunin di ba. Di bale ng mahirap basta malinis ang konsensya mo.

    Di rin ako nagbibihis metal. Di mo nga aakalain na nakikinig ako ng metal at Death, Black, Gothic pa pinapakinggan ko. Maraming nagugulat pag sinasabe kong ganun ang trip ko kc nga ang perception nila pag Metal ka, durugista, satanista at walang patutunguhan ang buhay. Diyan cla mali. May mga kilala akong nakikining ng metal pero asensado sila at di cla tatamad tamad.

    Oo naman, expected naman na kaunti talaga ang nakikinig ng metal. Di ba may mga bandang galing jan sa Ateneo? mga alternative mainstream bands? Dito nga sa company ako lang ata ang nakikining ng metal. Kahit nung college, ako lang cguro, mga iba alang kwenta na ung mga pinapakinggan. Cguro masasabi ko rin na sa buong pateros, mga sampu lang kame.

    Oo check ko cla. Feeling ko naman mahusay talaga cla. Kaunti pa lang kc napapakinggan ko sa progressive. Dream Theater, Symphony X, Winds (classical progressive) un iba nakalimutan ko na.

    Pano ko nadiscover? Date pa kc kame banda, nung 2nd year high school pa. Pero di pa metal binabanatan namen, hardcore pa lang. Tapos nun, mga 4th year, nag explore kame nun isa kong kabanda na Metal ang pinapakinggan hanggang ngayon. Yun iba namen kabanda ay punk at emo, un iba classical/alternative ang trip. Cguro kaya di na kame masyado makatugtog ngayon ay dahil sa differences at gamet. Drummer pala ako. May drums kame, un gitara namen sira eh, pero sa Pasko, tutugtog cguro kame.

    San ka pala sa Pasig? Ikaw may banda ka?
     
  12. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
    Sa totoo lang, hindi naman masyadong maraming mayaman sa Ateneo. May iilan din pero siguro mga 1 out of 40 lang. Yung isang batch nga ngayon, kulang pa ang students dahil siguro sa kahirapan ngayong panahon. Madaling aminin na maganda ang foundation ng Ateneo para sa mga students pero malakas masyado ang impluwensiya ng media kaya maraming masamang puwedeng mapuna sa mga studyante. Nakakalungkot diba? How can we be so apathetic?

    Yung mga banda sa'min gaya-gayahan lang sila. May mga kilala akong talagang magaling tumugtog ng instrumento pero hindi metal style. Yung isa kong kaibigan, ang tinutugtog niya mga Satriani, Vai, at kung sinu-sino pang shredders pero yung banda niya puro rivermaya, bla bla bla ang tinutugtog.

    Sa boundary ako ng Pasig-Marikina-Cainta nakatira. Mahirap i-explain kung saan eksakto.

    Gusto ko magkabanda pero di pa ako gano bihasa sa mga instrumento. Tumutugtog ako ng keyboards (1 year na) saka gitara (siguro 4 months palang). Saka wala din akong kilalang kapareho ko ang frame of mind sa musika. Di naman kailangang metal ang pinapakinggan pero dapat ang output detailed music tulad ng prog metal. Yun ang astig para sakin.

    Pano ka ba bumibili ng cd's? Ako sa the end records bumibili gamit credit card ng lola ko tapos isesend ko sa bahay niya sa NY. Tapos papadala ng lola ko yung package kasama na rin ng ilan niyang kailangan ibigay dito. Para sakin mas efficient yun kaysa direct na ipadala dito ng the end tapos magbabayad pa ng mga tax dito. Di ko kasi alam ang procedure dito when it comes to shipping ang stuff.

    Kakabili ko nga lang last week siguro isesend na dito ng lola ko by this week. Saya! May bago na naman akong idadagdag sa collection ko. Nandon yung bagong album ng POS saka yung iba the gathering, in flames, at the gates, time requiem, the flower kings saka yung bago ng shadows fall. Astig! Hindi na ko makapaghintay.
     
  13. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    Lagyan ko lang ng mga quotes, nahihirapan ako...hehe

    A ganun ba. Oo may kilala rin ako jan date na galing sa PCC pero scholar ata sila dun. Oo kc napaka taas ng respeto ng Pinas sa Ateneo kaya ganun na lang ang pagpuna sa school niyo.

    Ah pinoy alternative ba. Sayang, dapat magtayo cia ng Progressive metal band kung ganun talaga cia kagaling mag gitara. Sabihin mo sa kanya, check din niya si Yngwie at si Michael Angelo, magaling din.

    Ah, sa may ligaya ka ba?

    More practice on guitars. Kung ako sayo focus muna ako sa guitars, kahit pahapyaw muna ang keyboards. Naku mahirap maghanap ng kabanda ngayon na katulad ng gusto mo. May mga makikilala ka jan gusto metal pero ibang sub-genre ng metal. Tulad ko, more on death, black, gothic nga. Pero hindi ko sinasabe na ayaw ko progressive, sa katunayan gusto kong style e, death/progressive na may halo ding gothic/ambient. Kung ako sayo, try mo magtayo ng banda tapos tignan niyo kung ano pwede niyo gawin. Magtimplahan kayo ng mga interest. Kasi hindi ka makakahanap talaga ng mga tao na magfifit sa taste mo. Ako nga naiinis eh, nag punk/emo ung gitarista namen, bwisit talaga.

    Swerte mo. Bute ka pa ganyan ang procedure mo ng pagbili. Pwede ko din cguro gawin yan kaso nahihiya ako sa mga kamag-anak ko sa US. Minsan nko nagpapadala sa kanila kaso di nila mahanap ung gusto ko. Chaka ala akong credit card, ayoko pati magopen. Ako umoorder ako sa Nizzle Dazzle, sa Metal Disc sa Cartimar. Bago pa lang ako nagbibibili, kasi bago lang din ako nagkatrabaho. Ung iba kong CDs dun ko din binibili date, kaso burn lang, mga tig P150 at P370. Sensiya na, mahirap lang ako.

    Ano sa Gathering? be sure na mandylion o Nighttime birds un. Astig un dalawang un. mahilig ka din cguro sa Gothenburg/melodeath (In flames). Try mo rin Dark tranquility at Arch Enemy. Kung metalcore naman eh, Between the Buried and Me, Red Chord, Botch at Dillinger Escape Plan.
     
  14. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
    Ung kaibigan ko kaya niya yung ubang Yngwie pero d ko alam kung kaya niya yung mga Michel Angelo. Malupit talaga mag gitara yun kaso nga lang alam mo na, masyadong naimpluwensiyahan ng uso.

    Tama ka. Sa may Ligaya ako. Sa Chason in particular. Isang maliit na subdivision sa loob.

    Sige practice pa ako lalo sa gitara. Focus muna siguro ako sa pagtugtog sa kanta ng iba para malaman ko yung styles nila. Sana eventually maging shredder din ako. Ayos yun.
     
  15. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
    Ung kaibigan ko kaya niya yung ubang Yngwie pero d ko alam kung kaya niya yung mga Michel Angelo. Malupit talaga mag gitara yun kaso nga lang alam mo na, masyadong naimpluwensiyahan ng uso.

    Tama ka. Sa may Ligaya ako. Sa Chason in particular. Isang maliit na subdivision sa loob.

    Sige practice pa ako lalo sa gitara. Focus muna siguro ako sa pagtugtog sa kanta ng iba para malaman ko yung styles nila. Sana eventually maging shredder din ako. Ayos yun.

    Ang kapal na nga ng mukha ko. Parati na lang akong nagpapabili sa lola ko... Nakakahiya nga e... Wala akong masabi... Nahihiya ako...

    Yung the Gathering na binili ko, if-then-else pati souvenirs. Nababasa ko na maganda daw yung Mandylion at Nighttime birds. Di ba yun yung panahaon ng the Gathering na Gothic Metal pa sila? Ang alam ko ngayon Gothic Rock sila. Yung Arch Enemy meron ako Wages of Sin pati Anthems of Rebellion. Yung Dark Tranquility, parang di ko trip kasi parang di sing-energetic ng tunog nila yung tunog ng In Flames. Pero tingin ko ok din yung Dark Tranquility. Ang Shadows Fall ba metalcore? Ano bang pinagkaiba ng metalcore sa hardcore? naguguluhan ako e...

    Sorry kung parang mindali yung reply ko... School kasi. Hell Week ngayon.
     
  16. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    Yngwie Kaya niya? malupit talaga yun! naku dapat simulan mo na cia impluwensiyahan ng mga progressive metal para turuan ka niyang mag gitara tapos tayo kayo ng banda. kalimutan na niya un banda niyang isa, mas lulupit cia pag prog ang tinugtog niya.

    Oo practice ka. Di ba Pain of Salvation gusto mo, try mo kunin mga guitar riffs nila.

    Ok lang yun, ang bait naman ng lola mo, metal din ba cia? hehe, joke lang.

    Di ko pa napapakinggan ang If_then_else pero un souvenirs napakinggan ko na, ok lang cia pero ciempre mas maganda pa rin un early stuffs nila. Oo gothic metal pa sila nun kaya mas gusto ko. Ika nga ng theendrecords, Alternative/Trip rock na sila ngayon. Maganda rin ung dalawang albums nun ng Arch Enemy pero try mo rin Black Earth. Di ko rin gaano kagusto ang DT pero trip ko ang Projector nilang album.

    Hindi metalcore ang Shadows Fall, hardcore sila. May difference ang dalawa. Ang Hardcore kasi parang mas konektado sa Punk, parang pinabigat na Punk, mas influenced ng Punk samantalang ang metalcore naman ay mas influenced ng metal na talagang mas mabigat at mabilis na mga riffs at double bass.

    Hardcore:
    Earth Crisis, Shadows Fall, Blood for Blood

    Metalcore:
    Walls of Jericho, Botch, Unearth, The Red Chord

    At ang masasabi ko lang eh, mas maganda ang metalcore at grindcore sa hardcore.
     
  17. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
    Iniimpluwenisyahan ko na nga yung kaibigan ko. Pinapahiram ko siya ng mga Dream Theater at Symphony X... Sana nga magbago siya. Sayang naman kung pop lang ang tutugtugin niya.

    May gitara ako pero acoustic lang... Wala akong electric. Gusto ko nga sana pero hindi baka masyado pang maaga saka di ko alam kung ano yung dapat kong bilhin.

    Yung luma kasi ng arch enemy kaya di ko maappreciate kasi yung vocalist nila. Parang di ko gusto. Kaya masgusto ko yung mga bago dahil sa ni Angela Gossow mas bagay sa tunog.

    Parang nashishift ng tunogang karamihan ng mga bandang metal ngayon. Parang nagiging metalcore sila. Yung the Haunted yata nagbabago na rin ng tunog.

    Yung bagong tunog ng In Flames trip mo ba yun? Sakin ok lang, maganda parin naman e.

    Ano ba talaga ang grindcore? Hindi ko maintindihan kung death ba yun.
     
  18. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    Oo pahiramin mo siya nun, matindi yung dalawang yun.

    Dapat nagsisimula ka na ngayon hanggat bata ka pa, sanay lang ng sanay, pagdating mo ng college, malupit ka na. Sa mega ata may mga promo ata dun, chaka may washburn ata binebenta. Kami nga sa Sta Mesa lang bumibili eh, yung double peds ko dun ko lang binili, pero ciempre di masyado maganda, pero ung mga guitars ok lang kung tipid ka talaga. May nkuha kaming 5 string bass dun, maganda cia.

    Ah ganun ba, mas gusto ko ung luma eh pero maganda rin naman un kay Angela.

    Oo yun ang ayoko din sa mga ibang banda, nagiiba ng style tulad ng hypocrisy, yung mga ganun.

    Ok lang ang In flames, pero di ko pa naririnig lahat sa kanila, whoracle pa lang.

    Nakita mo na ba to? www.filipinometal.com

    Ang grindcore ay pinaghalong punk at death metal. usually mabilis ang tempo, parang sa punk ba, pero brutal at growled ang vocals. Example ay Napalm Death, one of the founders of the style. Nasum at Fuck I'm dead ay grindcore din.

    Check mo pala un isa pang thread, un kinereate mo, Phil metal scene...
     
  19. bringer_of_war

    Joined:
    May 27, 2003
    Messages:
    93
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    6
    Location:
    Filipino living in Geneva, Switzerland
    Ano bang magagandang model ng electric guitar?

    Natanggap ko na yung mga bago kong cd. Astig!

    Napuntahan ko na yung filipinometal.com. Astig nga e lalo na yung bandang Bane. Pinakinggan ko yun mga sample nila. Sobrang galing nila. 'Di ko inakalang makakagawa ng ganoong kagandang metal ang isang Pilipinong banda.

    Sorry kung ito lang ang malalagay ko ngayon. Exam week kasi namin kaya todo aral.
     
  20. RosesofShadow

    RosesofShadow Fuck my country

    Joined:
    Aug 4, 2004
    Messages:
    1,688
    Likes Received:
    0
    Trophy Points:
    36
    Location:
    Manila, Philippines - Our Gateway to Hell
    Model? ah, masasabi ko ay fender, gibson, washburn, yamaha, di ako particular sa guitars eh, chaka kung anong maganda kapag progressive ang tinutugtog, pero palagay ko depende naman yun sa tutugtog. pero in terms of quality, yun sinabe ko icheck mo may kamahalan nga lang. Bibili ka pa ng ampli... (marshall, peavey)

    San ka pala nagiinternet? sa skul ba? sa library niyo?

    Oh natanggap mo na? kainggit ka naman. Magkano inaabot ang isang CD diyan sa procedure mo? Kung magkano yung nasa theendrecords? iconvert mo lang? Binabayaran mo ba lola mo? Swerte mo talaga.

    Sabe ko sayo eh, meron jan mga metal bands pero talagang hahagilapin mo kc undistinguished nga at underground talaga. Ewan ko lang, ayaw ko ipromote sila ng NU107, di naman metal ang pinapatugtog nila, mga alternative, rock and roll at nu metal. Siguro yung metal madness nga ng Nu107 pero di rin naman ata lahat ng maganda sa metal pinapatugtog dun. Sabe saken, the usuals daw, Opeth, Cradle of Filth, so ewan ko lang kung magpatugtog sila ng mga Wormed, Cinerary, Demigod, Spawn of Possession, the Chasm, Vore atbp.

    Oo magaling ang Bane sa naririnig ko, pero ala pako sample nila, download nga rin ako...hehe.

    Ok lang pre, aral ka lang, kung magkakabanda ka, balance mo lang. Ako nga nun high school, todo banda rin ako pero di ko napapabayaan studies ko, nasa sayo naman yan.

    Cge gudluck pre...
     

Share This Page